"Minsan akala mo walang nag mamahal sayo . siguro masyado kalang nakatuon sa taong HINDI ka naman gusto" "hindi mo dapat binibilang ang efforts mo para sa mahal mo kasi mapapagod ka lng.. hihingalin ka. mahal mo yan dba? wag ka dapat mapagod." "Pag galit ka wag kang gagawa nang desisyon . kasi siguradong mali yan .Hintayin mong maging kalmado at peacefull ang utak mo" "Masakit man, wala kang choice kundi tanggapin na lang ang pamamaalam niya. Kung sino man ang may kasalanan, ikaw man o siya, ang bottomline dito, ayaw na niya. Alangan pilitin natin ang ayaw na diba?" "Hindi ibibigay sayo ng Diyos ang taong gusto mo. Ibibigay niya yung taong kailangan mo." "Kapag ang asukal nabasa, nalulusaw at maaaring mawala ang tamis. Parang TAO. Kahit gaano siya ka-sweet sayo, kapag pinaluha mo, NAGBABAGO." "Hindi sukatan ang HABA NG TAON sa RELASYON, aanhin mo ang tagal ng pinagsamahan ninyo, kung nakikita mo na walang pupuntahan ito." "Kung dumating yung araw na kailangan siyang pakawalan, wag kang maging madamot." “Ang tunay na lalaki, mas mag-eeffort kaysa sa babae. Hindi niya hahayaang magmukang one-sided ang relationship. Dahil ang totoo, pantay lang kayong magmahal." "Kapag meron na siyang karelasyon, huwag mo ng guluhin yon. Alam mo naman ang pakiramdam diba, dahil ginawa na din sayo yon." "Magpaganda kayo para manghinayang yang mga walanghiyang lalaking yan sa pag-iwan sa inyo." "Wag kang makikipagrelasyon sa taong gusto mo lang, pero hindi mo mahal… SPELLING PA NGA LANG MAGKAIBA NA EH, KAHULUGAN PA KAYA?!" "Wag kang mag-alala, darating ka rin sa puntong. “I remember the Boy, but I don’t remember the feelings anymore”." "Mahal mo, mahal ka rin, tapos papakawalan mo? Tanga ka. Di masama ang ipaglaban siya. Di tayo superheroes na magpaparaya para sa iba." "Huwag niyong laging gawing option ang “Ayoko na, maghiwalay na tayo!”, kasi kapag lagi niyong sinasabi yan, baka magkatotoo." "ang pagdududa, hindi mo ginusto yan, dahil binigyan ka niya ng dahilan para maramdaman yan. Pero kung nagdududa ka at wala naman siyang ginagawang masama, hindi na tama yon. Unfair yun sa pagiging faithful niya sayo."